"ang kabataan ay ang pag-asa ng Bayan”.
Tayong mga kabataan ang siyang magbibigay ng magandang kinabukasan sa ating bansa.
Ngunit sa mga kabtaan sa henersyon natin ngayon magagampanan pa kaya nila ang pagiging pag-asa ng bayan? Anu-ano nga ba ang pinagkaiba ng kabataan noon at ngayon?
Tayong mga kabataan ang siyang magbibigay ng magandang kinabukasan sa ating bansa.
Ngunit sa mga kabtaan sa henersyon natin ngayon magagampanan pa kaya nila ang pagiging pag-asa ng bayan? Anu-ano nga ba ang pinagkaiba ng kabataan noon at ngayon?
KABATAAN NGAYON
Noong unang panahon ang mga kabataa'y palaging
nasa tahanan lamang. Parating tumutulong sa kanilang magulang sa gawaing bahay.
At naiiba pa ang kanilang kasuotan yun bang tinatawag nating ‘Maria Klara’
ikanga. At mas makapag-aaral pa sila ng mabuti dahil noon wala pa itong
tinatawag nilang ‘Internet o 'di kaya ay T.V at Cellphone at iba pa. Hindi pa sila
nag bubulakbol o sumasama sa kanilang mga barkada kung wala ang
pahintulot ng kanilang mga magulang, sa madaling salita ang kabataan noon ay
mabait masunurin at may takot sa kanilang mga magulang. At ang isang
napakaganda ng kaugalian noon ay ang paglaro ng mga larong pinoy.
Kabataan
ngayon
Malaki na talaga ang kaibahan ng kabataan noon sa ngayon.
Ang susunod na nasa talaan ay ang mga negatibong kaibahan ng kabataan noon sa ngayon:
Noon. Karamihan
sa kababaihan ay tipong “Maria Clara”.
Ngayon.
Karamihan sa kababaihan ay liberated na.
Noon. Mahigpit
na ipinagbabawal ang mga naka-shorts at nakatsinelas sa mga establisimiyento.
Ngayon. Cool
nang maituturing kung ikaw’y naka-shorts ng ubod ng igsi at nakatsinelas lamang
kahit saan ka man magtungo.
Noon. Ang
pagmamano, pag-gamit ng po at opo ay pangkaraniwan lang sa kabataan.
Ngayon. Ang
pagmamano, pagsasabi ng po at opo ay bihira na lang at tila ‘di komportable ang
kabataan sa pag-gamit nito .
Noon. Malaki
ang respeto ng mga anak sa kanilang mga magulang na isang sutsot pa lang ay
agad na tumatalima ang anak.
Ngayon. Halos
wala ng galang ang mga anak sa magulang. Kahit lawit na ang dila ng magulang sa
kakasaway ay hindi pa rin sumusunod ang anak.
Noon. Kuntento
at nakangiti na sa matamis na kamote at kapeng barako.
Ngayon. French
Fries at kape sa Starbucks ang paborito nang naghihirap daw na Pinoy.
Noon. Isang
sagrado at pinahahalagahan ng husto ang privacy ng mga tao.
Ngayon. Halos
lahat na ng mga tao ay isinisigaw at isinahihimpapawid pa ang bawat kilos,
galaw at lugar na pupuntahan sa pamamagitan ng facebook, twitter, blog at
online journal.
Noon. Library,
Recto at hard to find encyclopaedia ang sources ng research at term papers.
Ngayon. Google,
Wikipedia at iba pang search engine sa Internet ang katapat ng anumang
impormasyon kailangan mong malaman.
- Kumpara noon ang kabataan natin ngayon ay mas malikhain.
- Dahil sa makabagong teknolohiya ang kabataan natin ngayon mas maraming impormasyon sa kasalukuyan.
- Base rin sa isang teyorya mas matalino na ang mga kabataan ngayon dahil sa malawak na ang kanilang pag-iisip.
- Mas may pakialam na sa nangyayari sa mundo o sa gobyerno.
Hindi na nga maikakaila na napakalaki na nang pagbabago’t
pagkakaiba ng noon at ngayon. At sa darating pang mga panahon ay marami pa ang
magaganap na pagbabago. Kung kailangan nating sumabay sa pagbabago at agos ng
panahon ay hindi ko alam dahil maraming pagbabago ang hindi angkop sa nais
nating mangyari ngunit tutol man tayo dito ay wala tayong magawa. Madalas
kung ano pa ang ayaw mong magbago ‘yun pa ang may malaking pagbabago. Sabi nga
eh, walang permanenteng bagay dito sa mundo kundi ang pagbabago. Kaya ang mensahe ko para sa kabataan natin ngayon at sa mga kabataan sa darating pang henerasyon, ay dapat maging pukos muna at unahin ang pag aaral, gawing priority ang pamilya sapagkat sila rin ang makakatulong sayo sa iyong kinabukasan. Mahalin mo ang iyong bansa o ang iyong kinagisnan at higit sa lahat pagmamahal at serbiysong tapat sa Panginoon.