Martes, Pebrero 7, 2017

Satalaan na ito ibabahagi dito ang kaibahan ng kabataan ngayon sa noon










Ayon kay
Dr. Jose Rizal 
"ang kabataan ay ang pag-asa ng Bayan”.
 Tayong mga kabataan ang siyang magbibigay ng magandang kinabukasan sa ating bansa. 
Ngunit sa mga kabtaan sa henersyon natin ngayon magagampanan pa kaya nila ang pagiging pag-asa ng bayan? Anu-ano nga ba ang pinagkaiba ng kabataan noon at ngayon?



KABATAAN NGAYON
Noong unang panahon ang mga kabataa'y palaging  nasa tahanan lamang. Parating tumutulong sa kanilang magulang sa gawaing bahay. At naiiba pa ang kanilang kasuotan yun bang tinatawag nating ‘Maria Klara’ ikanga. At mas makapag-aaral pa sila ng mabuti dahil noon wala pa itong tinatawag nilang ‘Internet o 'di kaya ay T.V at Cellphone at iba pa. Hindi pa sila nag bubulakbol o sumasama sa kanilang mga barkada kung wala ang pahintulot ng kanilang mga magulang, sa madaling salita ang kabataan noon ay mabait masunurin at may takot sa kanilang mga magulang. At ang isang napakaganda ng kaugalian noon ay ang paglaro ng mga larong pinoy.
 
















Kabataan ngayon

Malaki na talaga ang kaibahan ng kabataan noon sa ngayon. Ang susunod na nasa talaan ay ang mga negatibong kaibahan ng kabataan noon sa ngayon:

Noon. Karamihan sa kababaihan ay tipong “Maria Clara”.
Ngayon. Karamihan sa kababaihan ay liberated na.

Noon. Mahigpit na ipinagbabawal ang mga naka-shorts at nakatsinelas sa mga establisimiyento.
Ngayon. Cool nang maituturing kung ikaw’y naka-shorts ng ubod ng igsi at nakatsinelas lamang kahit saan ka man magtungo.




Noon. Ang pagmamano, pag-gamit ng po at opo ay pangkaraniwan lang sa kabataan.
Ngayon. Ang pagmamano, pagsasabi ng po at opo ay bihira na lang at tila ‘di komportable ang kabataan sa pag-gamit nito .

Noon. Malaki ang respeto ng mga anak sa kanilang mga magulang na isang sutsot pa lang ay agad na tumatalima ang anak.
Ngayon. Halos wala ng galang ang mga anak sa magulang. Kahit lawit na ang dila ng magulang sa kakasaway ay hindi pa rin sumusunod ang anak.



Noon. Kuntento at nakangiti na sa matamis na kamote at kapeng barako.
Ngayon. French Fries at kape sa Starbucks ang paborito nang naghihirap daw na Pinoy.


Noon. Isang sagrado at pinahahalagahan ng husto ang privacy ng mga tao.
Ngayon. Halos lahat na ng mga tao ay isinisigaw at isinahihimpapawid pa ang bawat kilos, galaw at lugar na pupuntahan sa pamamagitan ng facebook, twitter, blog at online journal.

Noon. Library, Recto at hard to find encyclopaedia ang sources ng research at term papers.
Ngayon. Google, Wikipedia at iba pang search engine sa Internet ang katapat ng anumang impormasyon kailangan mong malaman.


 May mga positibo naman ng kaibahan ang mga kabataan natin ngayon kumpara noon,
  • Kumpara noon ang kabataan natin ngayon ay mas malikhain.
  • Dahil sa makabagong teknolohiya ang kabataan natin ngayon mas maraming impormasyon sa kasalukuyan.
  • Base rin sa isang teyorya mas matalino na ang mga kabataan ngayon dahil sa malawak na ang kanilang pag-iisip.
  • Mas may pakialam na sa nangyayari sa mundo o sa gobyerno.
 Marami pang mga pagbabago na maganda ang naidudulot ng ating kabataan sa henerasyon ngayon.
 Hindi na nga maikakaila na napakalaki na nang pagbabago’t pagkakaiba ng noon at ngayon. At sa darating pang mga panahon ay marami pa ang magaganap na pagbabago. Kung kailangan nating sumabay sa pagbabago at agos ng panahon ay hindi ko alam dahil maraming pagbabago ang hindi angkop sa nais nating mangyari ngunit tutol man tayo dito ay wala tayong magawa. Madalas kung ano pa ang ayaw mong magbago ‘yun pa ang may malaking pagbabago. Sabi nga eh, walang permanenteng bagay dito sa mundo kundi ang pagbabago. Kaya ang mensahe ko para sa kabataan natin ngayon at sa mga kabataan sa darating pang henerasyon, ay dapat maging pukos muna at unahin ang pag aaral, gawing priority ang pamilya sapagkat sila rin ang makakatulong sayo sa iyong kinabukasan. Mahalin mo ang iyong bansa o ang iyong kinagisnan at higit sa lahat pagmamahal at serbiysong tapat sa Panginoon.




-Iris Rizza Arano-






















_________________________________________________________________________________
**end**

3 komento: